^

Punto Mo

Lalaking may cancer pinagaling ni Padre Pio (Part 6)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

HINDI na nakita ni Anthony Fuina ang lalaking nakisakay sa kanya. Nagtataka siya kung bakit ganoon kabilis nawala ang lalaki.

Ipinasya na niyang magtungo sa Real Estate Office. Masyado na siyang late sa usapan nila ng kanyang agent.

Nang makarating sa opisina, nag-sorry siya sa babaing sales agent at ipinaliwanag niya ang kakaiba at “mahimalang” pangyayari. Sabi pa ni Anthony sa sales agent, sa mga oras na iyon ay nararamdaman pa rin niya goose bumps at ang boltahe ng kuryenteng pumasok sa kanyang katawan.

Bakas sa mukha ng sales agent ang labis na pagtataka sa mga ikinuwento ni Anthony.

Nang umuwi si Anthony ng hapon na iyon mula sa opisina, wala ang kanyang asawang si Barbara at mga anak.

Hanggang mag-ring ang phone. Si Dr. Ferrara ang nasa kabilang linya at ibinabalita ang biopsy report. Ayon sa doktor ang bahagi ng tumor na inalis sa kanyang colon ay benign (negative). Ganunman, kailangan pa ring alisin ang natitirang tumor sa Abril 10, 1997.

Ayon kay Anthony, halos maglulundag daw siya sa sobrang kasiyahan sa balitang natanggap. Nagpasalamat siya kay Dr. Ferrara.

Pagkatapos ay kinuha sa kanyang bulsa ang statue ng angel na pinangalanan niyang si Victoria. Nagpasalamat siya at hinalikan ito. Napakasuwerte niya sa pagkakaroon ng statue ng angel sapagkat mara­ming nangyaring maganda sa kanya ng araw na iyon. Ginabayan siya ng angel at nakilala pa niya ang lalaking nakisakay sa kanya at “naghimala” sa kanya. Maraming biyaya ang natanggap niya ng araw na iyon.

Pagdating umano ng kanyang asawang si Barbara at mga anak, ikinuwento niya ang mga magagandang nangyari sa kanya pati ang lalaking nakisakay sa kanya at gumawa ng “himala”.

Hindi makapaniwala ang kanyang asawa at mga anak sa kanyang ikinuwento.

(Itutuloy)

ESTATE

REAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with