^

PSN Palaro

Alex Eala ligtas sa wta penalty— Philta

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Alex Eala ligtas sa wta penalty— Philta
Alex Eala.
STAR/ File

MANILA, Philippines —  Inaasahang makakaligtas sa penalty ng Women’s Tennis Association (WTA) si Alex Eala matapos itong mabigong lumahok sa mandatory event na Beijing Open sa China.

Ito ang inihayag ni Phi­lippine Tennis Association Executive Tonette Mendoza kung saan nakipag-ugnayan ang asosasyon sa WTA sa estado ni Eala.

Ayon kay Mendoza, may ilang tanong lamang ang WTA sa Philta.

Isa rito ang tanong ng WTA kung nagdesisyon si Eala base sa kanyang sariling desis­yon at walang anumang pressure mula sa gobyerno o sinumang opisyal.

“So the WTA just asked us a few questions if she made the decision on her own, meaning it was not under pressure from anybody in the government or national federation, if it is an Olympic qualifier for our country, to which we said yes,” ani Mendoza.

Matapos tumugon sa mga tanong, hindi na mu­ling sumagot pa ang WTA.

“She made a decision on her own, and it’s an Olympic qualifier. Then they just never got back to us,” ani Mendoza.

Iginiit ng Philta na mismong si Eala ang nagpahayag na nais nitong ma­ging bahagi ng Team Philippines sa Asian Games.

Makailang ulit itong sinabi ni Eala sa kanyang mga interviews noong nasa Maynila ito.

“From the beginning, first we asked Alex if she was willing to join. She made a decision on her own that she wanted to represent the country. So we asked the WTA if they could waive any penalties that they may impose on her,” paglalahad pa ni Mendoza.

Matatandaang hindi lumahok si Eala sa Beijing Open upang sumabak sa Asian Games sa Nagoya, Japan na isang Olympic qualifying event.

Ngunit bigo si Eala na makuha ang LA Olympics spot matapos magkasya sa tansong medalya sa women’s singles.

Tanging ang gold me­dalist lamang ang nabiya­yaan ng tiket sa LA Olympics sa ngalan ni Wang Xiyu ng China na siyang tumalo kay Eala sa semis.

Nagpasa naman kamakailan ang WTA ng bagong patakaran para sa mga players na nagnanais katawanin ang kanilang bansa sa mga international competitions gaya ng Asiad.

Wala pang opisyal na anunsiyo ang WTA subalit optimistiko si Mendoza na papabor ito sa panig ni Eala dahil nirepresent naman nito ang kanyang bansa.

Nakasaad sa WTA rules na ibinibigay lamang ang penalty sa mga players na lumiban sa mandatory events para maglaro sa exhibition games.

ALEX EALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with