DepEd nagpasaklolo na sa DICT, DILG

Cotabato school shooting
MANILA, Philippines — Humingi ng tulong ang Department of Education (DepEd) at sa iba pang ahensiya ng gobyerno upang siyasatin ang umano’y “true crime community” na kinaaniban ng suspek sa pamamaril sa Banga National High School, South Cotabato.
Ayon kay DepEd Secretary Sonny Angara, makikipag-ugnayan ang kagawaran sa Department of Information and Communications Technology (DICT) at Department of the Interior and Local Government (DILG) para masuri ang posibleng impluwensiya ng naturang online community sa insidente.
Aminado si Angara na hindi handa ang DepEd sa ganitong uri ng insidente dahil nakatuon ang ahensiya sa akademikong performance ng mga mag-aaral.
Kaya’t pinag-aaralan na ngayon ang mas mahigpit na security measures, kabilang ang pamamahagi ng metal detectors at pag-hire ng mas maraming school counselor associates para sa mental health support ng mga estudyante.
Kinondena ng DepEd ang pamamaril at nagpaabot ng pakikiramay sa mga pamilya ng mga biktima at sa buong komunidad ng paaralan.
- Latest






















