Yaoyao ready na sa Aichi-Nagoya Asiad
MANILA, Philippines — Tumaas ang kumpiyansa ni national MTB (mountain bike) rider Shagne Yaoyao sa kanyang pagpedal sa 20th Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan ngayong buwan.
Ito ay matapos pumuwesto si Yaoyao sa sixth place sa kakatapos lamang na UCI MTB Continental Series sa Guiyang, China.
Nagsumite ang five-time national champion ng bilis na 27 minuto at 10 segundo sa nasabing 26.4-kilometer race.
May agwat siyang 2:56 minuto kay Chinese winner Wang Ting.
Dalawang Chinese at dalawang Kazakh riders ang nauna kay Yaoyao sa finish line.
Inungusan naman ni Yaoyao ang isang Japanese at dalawang Malaysians.
Ito ang pinakahuling event na sinalihan ni Yaoyao bago sumalang sa Aichi-Nagoya Asiad.
Makakasama ni Yaoyao sa kampanya sa quadrennial meet si Adel Pia Sendrijas.
Papadyak sina Yaoyao at Sandrijas sa MTB Cross Country Olympic event.
Magsisimula ang labanan sa Setyembre 25 sa Nagoya.
Hangad ng Team Philippines na malampasan ang apat na gold medals na nakolekta sa 2024 Asiad sa Hangzhou, China.
- Latest




















