Duterte camp sa ICC: ‘Digital evidence’ suriin bago Nov. 30 trial’
MANILA, Philippines — Umapela ang kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) na higpitan ang pagsusuri at beripikasyon sa mga open-source at user generated na materyal na isinumite bilang ebidensya.
Babala pa ng depensa ni Duterte na ang patuloy na pagdami ng mga ebidensya ay maaaring magdulot ng pagdami ng mga materyal na hindi maaasahan at walang ugnayan sa kaso.
Sa mosyon na inihain noong Setyembre 3, 2026, sinabi ng depensa na malaki ang naging pagtaas sa rami ng ebidensyang isinapubliko o isinumite ng prosekusyon. Pangamba pa nila, hindi lang sa rami kundi maging sa kalidad ng mga materyal na inihaharap bago ang paglilitis.
Mula sa humigit kumulang 5,000 ebidensyang naitala bago ang confirmation statge, umabot na ngayon sa mahigit 25,000 ang bilang ng mga ito at inaasahang madaragdagan pa ang mga datos na isusumite.
Dahil dito, iminungkahi ng depensa ang karagdagang “Expert Verification “field ng ICC’s E-Court Protocol. Nababahala rin sila sa panganib ng misinformation at manipulated content na papasok sa court record, lalao na sa paggamit ng platforms tulad ng OTPLink na pinapayagan ang isang indibidwal na magsumite ng ebidensya direkta sa prosekusyon kahit hindi kilala ang nagpadala.
- Latest



















