^

PSN Palaro

Historic silver sinikwat ng Alas Women sa SEA V Cup

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Historic silver sinikwat ng Alas Women sa SEA V Cup
Wagi ang Alas Pilipinas Women ng silver medal sa SEA V Cup Leg 2 na idinaos sa Thailand.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Humataw ng kasaysayan ang Alas Pilipinas Women sa Southeast Asia (SEA) V Cup Women’s Voll­eyball Championship.

Tinakasan ng mga Pinay spikers ang Indonesia, 25-13, 23-25, 25-19,c33-31, para angkinin ang silver medal sa Leg 2 ng SEA V Cup kahapon sa 700th Anniversary Chiang Mai Sports Complex sa Chiang Mai, Thailand.

Humataw si Leg 1 Best Opposite Spiker Alyssa Solomon ng 19 points habang may tig-17 markers sina Bella Belen at Eya Laure para sa ikalawang sunod na panalo ng tropa ni Japanese coach Taka Minowa.

Ito ang kauna-unahang pilak na medalya ng Alas Women sa seven-year, 11-leg history ng regional tournament matapos makuntento sa anim na tanso.

Bokya ang kampanya ng koponan sa Leg 1 sa Hanoi, Vietnam.

Nanggaling ang Natio­nals sa 22-25, 25-23, 25-21, 25-22 panalo sa Vietnam noong Sabado matapos ang 19-25, 17-25, 19-25 pagyukod sa Leg 1 winner Thailand noong Biyernes.

Nakaganti rin ang mga Pinay hitters sa mga Indo­nesians na tumalo sa kanila, 20-25, 19-25, 22-25, 16-25, sa agawan sa bronze medal sa Leg 1.

Inaasahang dadalhin ng Alas Women ang momentum sa pagsabak sa parating na Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan na nakatakda sa Setyembre 16.

Makakasama ng mga Pinay sa Pool B ang nine-time Asian Games champion China at Kazakhstan na runner-up sa Vietnam sa 2024 AVC Nations Cup na idinaos sa Manila.

SEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with