Ex-PNP chiefs ayaw sa extension ni Gen. Marantan!
NABALIGTAD na ‘ata ang mundo ni Interior Secretary Jonvic Remulla dito sa pag-request n’ya ng one-year extension sa termino ni PRO4-A director Brig. Gen. Hansel Marantan. Tandang-tanda ko pa kasi mga kosa na noong bagong upo si Boss Jonvic sa puwesto, ang unang hinirit n’ya ay bawasan ang bilang ng mga heneral sa PNP. Mismooooo! Ang gusto nga ni Remulla ay 25 lang ang matitirang mga PNP general. Subalit dahil sa mainit na backlash sa plano n’ya, umurong ang bayag ni Boss Jonvic. Araguyyyyy! Kapag natuloy itong extension ni Marantan, madagdagan pa kaya ang bilang ng mga heneral sa PNP? Kaya lang pag nagkataon, magiging ugat ito ng malawakang demoralisasyon sa hanay ng kapulisan. Purbidang yawaahhhhh! Get’s n’yo mga kosa? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Kasi nga mga kosa, kapag nilisan ni Marantan ang puwesto n’ya, may papalit sa kanya. At ang papalit sa kanya ay may papalit din. ‘Ika nga, chain reaction ‘yan hanggang sa ibabang opisyal at halos 20 sa kanila ang maapektuhan. Kapag nanatili kasi sa puwesto si Marantan, nganga na lang ang maraming opisyal ng PNP. Kaya maraming PNP officials, maging ang mga retiradong hepe ng PNP na sina Roberto Lastimoso, Arturo Lomibao Archie Gamboa at Rodolfo Azurin Jr. ay nag-caution sa Napolcom na ‘wag patulan ang rekomendasyon ni Remulla.
Anang mga former PNP chiefs, demoralisasyon lang ang idudulot nito sa PNP. Ganun ba ‘yun? Kung sabagay, si Remulla ang nag-request ng extension ni Marantan at kasama pa s’ya, bilang chairman ng Napolcom, sa pag-aprub nito. Walandyo! Iginiit naman ni Atty. Joaquin Alva na hindi lang si Remulla ang mag-desisyon nito kundi ang buong miyembro ng Napolcom, bilang collegial body. “This will test the independence and sound judgement of its members. Will they decide based on their own wisdom, mandate, or simply succumb to pressure?” ang pahayag ni Alva. Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?
Sa tingin naman ng mga kosa ko ang kasalanan lang ni Marantan ay ginalingan n’ya ang pagtrabaho at napa-impress n’ya si Boss Jonvic. Dipugaaaaa! Taus-pusong nagpapasalamat naman si Marantan sa tiwala at kumpiyansa sa kakayahan n’ya sa trabaho. “I am deeply honored and grateful for the trust and confidence reflected in the recommendation for a one-year extension of my service.,” ani Marantan. Aniya, kahit may extension request pa s’ya, hindi naman nagbabago ang focus n’ya sa trabaho upang pagsilbihan ang Calabarzon. “Public service has always been a privilege, not an entitlement,” ang dagdag pa ni Marantan na magreretiro na sa Hulyo 10. Sal-it!
Teka, teka! Pinirmahan na ni PNP chief Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr. ang Napolcom resolution. Ipinaliwanag ni Nartatez na nasa proseso pa ito at dadaan pa sa appointing authority o kay President Bongbong Marcos. Abangan!
- Latest















