Susunod na VP dapat magtrabaho - Castro
MANILA, Philippines — Matapos ang anunsiyo ni Vice President Sara Duterte na nakapili na siya ng magiging running mate sa 2028 elections, umaasa naman ang Palasyo na magtatrabaho ang susunod na bise presidente ng bansa.
Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro na desisyon ni VP Sara na humanap ng partner na sana ay talagang magtatrabaho.
Giit ni Castro, iba na na ang sitwasyon ngayon kaya dapat ang susunod na Bise Presidente ng bansa ay magtatrabaho.
“Desisyon niya iyon. Talagang kailangan humanap siguro siya ng partner — partner na talagang magtatrabaho sana…isang Bise Presidente na nagtatrabaho,” ayon kay Castro sa panayam ng News5.
Nauna nang sinabi ng Bise Presidente sa panayam ng SMNI na mayroon na siyang napiling running mate subalit tumangging tukuyin kung sino ito.
- Latest



















