^

Bansa

DFA nagbabala vs ‘recording’ ng Pinas-China sa ‘new model’ deal

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
DFA nagbabala vs �recording� ng Pinas-China sa �new model� deal
An aerial view taken on March 9, 2023 shows Philippine ship BRP Sierra Madre grounded on Ayunging Shoal (Second Thomas Shoal) in the South China Sea.
AFP/Jam Sta. Rosa

MANILA, Philippines — Nagbabala ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa publiko sa napaulat na bantang ilalabas ang “unverifiable recordings” tungkol sa umano’y “new model” agreement ng China sa Ayungin Shoal.

Ayon sa DFA, hindi dapat maloko ang sinuman sa maling “narratives.”

“The DFA cautions against falling for false narratives,” ani DFA spokesperson Ma. Teresita Daza tungkol sa umano’y napagkasunduan sa pagitan ng isang opisyal ng militar ng Pilipinas at isang diplomat ng China hinggil sa mga paggalaw sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.

Inilutang ni Daza ang posibilidad na ang sinasabing hindi beripikadong recordings ay bahagi ng isang taktika na maaaring magdulot ng kalituhan sa mga ahensiya ng gobyerno at ng mga mamamayan.

“Resorting to tactics such as releasing unverifiable recordings of supposed conversations with Philippine officials could demonstrate efforts to sow discord and confusion among Philippine agencies and the Filipino public,” ani Daza.

Ginawa ng DFA ang pahayag matapos ilabas ng mga Chinese diplomats sa mga piling media outlet ang transcript ng umano’y pag-uusap ng Armed Forces of the Philippines - Western Command (AFP WESCOM) chief at isang Chinese diplomat tungkol sa umano’y arrangement sa Ayungin Shoal.

Sinabi ni Daza na dapat sundin ng mga diplomat ang 1961 Vienna Convention on Diplomatic Relations, na nagsasaad na dapat igalang ng lahat ng tao ang mga batas at regulasyon ng “receiving State.”

Nauna nang sinabi ng DFA na walang opisyal mula sa administrasyong Marcos ang nakipagkasundo sa gobyerno ng China hinggil sa Ayungin Shoal.

Binigyang diin ng DFA na tanging ang Pangulo ng Republika ng Pilipinas ang maaaring mag-apruba o mag-awtorisa ng mga kasunduan na pinasok ng Pamahalaan ng Pilipinas sa mga usapin na may kinalaman sa West Philippine Sea at South China Sea.

Kapwa itinanggi na ng Department of National Defense (DND) at ng National Security Council (NSC) ang pagkakaroon ng naturang kasunduan.

vuukle comment

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with