First Lady inaming may tampo kay Vice President Sara

Vice President Sara Duterte
Inday Sara Duterte / Facebook page

MANILA, Philippines — Inamin na ni First Lady Lisa Araneta-Marcos na “bad shot” si Vice President Sara Duterte sa kanya.

Ayon sa First Lady, nasaktan siya dahil nang akusahan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa isang rally na “bangag” sa droga ay tinawanan ito ni VP Sara.

Giit pa ng Unang Ginang nasaktan siya dahil gagawin lahat ng kanyang asawa na ipagtanggol ang Bise Presidente, subalit tinatawanan lamang niya sa isang rally habang tinatawag na “bangag” sa droga ang Presidente.

“You ran together, di ba? Sama-sama tayo babangon muli. Pupunta ka sa rally, tatawagin ‘yung presidente mong bangag, ‘di ba (We will rise together again. You will go to a rally, your president will be called a drug addict), you’re going to laugh. Tama ba ‘yan (is that right)? Even (former vice president) Leni (Robredo)  never did that,” ayon pa sa First Lady sa interview ng broadcaster na si Anthony Taberna na naka-post sa social media.

Ang tinutukoy ni Liza ay ang prayer rally sa Davao City ng ama ni Sara na si dating pangulong Rodrigo Duterte na nag-akusa kay Marcos na “adik”.

Tinawanan lang naman ni Pangulong Marcos ang naturang akusasyon.

Sa tanong naman ni Taberna kung nag “crossed the line” si Sara at kung posible pa ang reconciliation sagot ni Lisa “Bad shot na ‘yun sa akin”.

Matatandaan na nagkaroon ng ispekulasyon na mayroong hindi pagkakaunawaan ang mga kaalyado ng Pangulo dahil sa isyu ng confidential funds ng Department of Education kung saan si Sara ang kalihim.

Show comments