^

Bansa

Bong Go: Fire safety education, palakasin

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling iginiit ni Senator Christopher “Bong” Go na dapat palakasin ang pagtuturo ng kaligtasan laban sa sunog sa mga lokalidad.

Ginawa ni Sen. Go ang kanyang apela matapos niyang ipadala ang kanyang grupo sa Cotabato City noong Biyernes upang magbigay ng suporta sa mga pamilyang nasunugan.

Sa kanyang mensahe, ibinahagi ni Go ang ten-year modernization program ng Bureau of Fire Protection (BFP) na sinimulan sa ilalim ng BFP Modernization Act of 2021, na pangunahin niyang iniakda at inisponsoran.

Layon ng batas na pahusayin ang kapabilidad ng BFP sa pamamagitan ng advanced equipment at additional personnel, pagpapalakas sa edukasyon sa kaligtasan kontra sunog sa pakikipag-ugnayan sa komunidad.

“Hinihikayat ko po ang mga lokal na pamahalaan na mas lalo pang palakasin ang fire prevention awareness. Karamihan po sa ating mga kababayan ay kulang sa kaalaman sa safety kaya mas mabuting maipa­alam natin ito sa kanila para maiwasan ang mga ganitong insidente,” iginiit ng senador.

Idinaos sa Virgo Subdivision sa Barangay Rosary Heights IX,  Cotabato City, tatlong pamilya ang nakatanggap ng agarang tulong mula sa Malasakit Team, kabilang ang tulong pinansyal, grocery packs, water containers, kamiseta, bola para sa basketball at volleyball, at mga bitamina.

Kasabay ng pamamahagi ng suporta sa para makarekober ang mga nasunugan, nagsagawa naman ang National Housing Authority ng pagtatasa sa mga biktima na maaaring maging kwalipikado sa housing assistance program nito.

“Sa mga nasunugan, ‘wag kayong mag-alala. Ang importante buhay tayo, ang importante magtulungan tayo. Ang gamit atin ‘yang malalabhan. Ang pera ating kikitain ‘yan. Pero ang perang kikitain ay hindi mabibili ang buhay. A lost life is a lost life forever. Pangalagaan natin ang buhay na ibinigay sa atin ng Diyos,” ani Go.

vuukle comment

EDUCATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with