^

Bansa

1 milyong doses ng pertussis vaccine darating sa Hunyo - DOH

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inaasahang matatanggap na ng Department of Health (DOH) ang nasa 1 milyong doses ng pertussis vaccine sa darating na Hunyo.

“Wala kaming percent, subalit ang nasa inventory namin ay nakapagbigay ang DOH sa Quezon City ng 1,500 doses at ito ay magagamit nila at habang hinihintay ‘yung supply na baka sa June pa dumating,” ani DOH Spokesperson Dr. Eric Tayag.

Ito’y upang malabanan aniya ang sakit na tumataas na ang bilang sa ilang lugar, kung saan pinakamataas ang kaso sa Metro Manila, sinundan ng Calabarzon at Eastern Visayas.

“Yung binibigay naming bakuna ay hindi naman single dose, pero multi-dose ‘yun,” aniya.

Aminado si Tayag na hindi naman sapat ang 1 million doses para sa panga­ngailangan ng bansa na nasa 1.9M at 2.1 million doses ng pertussis vaccine kada taon para masiguro na lahat ng mga bagong silang na sanggol ay mabigyan ng bakuna.

Pinayuhan niya ang publiko na maging maingat lalo na ang mga walang bakunang mga sanggol dahil mabilis silang mahawaan.

Hindi man aniya, sapat ang bakuna, maari naman na gumamit ng antibiotic laban sa pertussis upang malabanan ito.

Ilan sa mga dahilan ng pagtaas ng kaso ng pertussis sa unang quarter ng 2024 ang kakulangan sa bakuna at mababang vaccination rate sa bansa, dahil na rin sa pagkakaroon ng COVID-19 pandemic, na siyang napagtuunan ng pansin.

“Dahil natuon ang pansin natin sa COVID muna, med­yo nasakripisyo ang ibang programa,” paliwanag niya.

Ani tayag, may 453 kaso ng pertussis sa bansa, 367 ang kumpirmadong kaso at 25 ang namatay.

Ayon kay Tayag, lubhang nakakahawa ang pertussis na nagdudulot ng respiratory track infection at ang mga sintomas nito ay ang walang tigil na ubo na halos hindi makahinga at may sipol sa dibdib.

vuukle comment

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with