P150 milyong financial aid sa flood victims sa Davao Region, inilabas ng Kamara
MANILA, Philippines — Agad inendorso ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang agarang pagpapalabas ng P150 milyong financial assistance ng Marcos administration para sa mga biktima ng baha sa Davao region na aabot sa libu-libong katao na ang naapektuhan.
Kasabay nito, ang tanggapan naman ni Speaker Romualdez at Tingog Reps. Yedda K. Romualdez at Jude Acidre ay patuloy ang pagsasaayos para agad na maipakalat ang 21,000 food packs sa lugar mula sa personal “calamity funds” ni Speaker Romualdez.
Gayundin, ang tanggapan ni Speaker at Tingog partylist ay nakipag-ugnayan na rin sa DSWD para agad na magpalabas ng 30, 000 food packs para sa mga binaha.
“This is to reassure and let our kababayans in Davao Region know that the government of President Ferdinand R. Marcos Jr. is here and it is doing its best to alleviate their condition. Aid will continue to flow in your areas as you all recover from the adverse effects of the floods,” ani Speaker Romualdez.
Inendorso ni Romualdez sa DSWD ang pag-release ng P150 milyong financial aid sa mga biktima ng baha sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program ng DSWD.
Ang release ng pondo ay ipadaraan sa mga congressional districts ng mga Davao lawmakers, maging sa mga local government executives.
Ayon naman kay Rep. Yedda Romualdez ang 21,000 relief goods ay ipapakalat din sa mga miyembro ng Kongreso sa Davao Region maging sa mga local executives ng Davao Oriental.
- Latest