^

Bansa

Pangulong Marcos: Side effects ng ‘fentanyl’ kay Duterte, tignan ng mga doktor

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos: Side effects ng �fentanyl� kay Duterte, tignan ng mga doktor
Former president Rodrigo Duterte Presidential.
Photo / Roemari Lismonero

MANILA, Philippines — Hinimok ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga doktor ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na alagaan siyang mabuti dahil nagdudulot ng masamang epekto sa kanya ang Fentanyl.

“Sa tingin ko ito ang Fentanyl. Ang Fentanyl ang pinakamalakas na pain killer na mabibili mo. Ito ay lubos na nakakahumaling at ito ay may napakalubhang epekto, at si PRRD ay umiinom ng gamot sa napakatagal na panahon ngayon,” sabi ni Pangulong Marcos.

Ginawa ni Pangulong Marcos ang pahayag nang hingan ng reaksyon sa mga alegasyon na ibinato laban sa kanya ng dating Pangulo.

“Kailan niya huling sinabi sa amin na umiinom siya ng Fentanyl? Mga five, six years ago, something like that. After five, six years, it has to affect him kaya palagay ko, kaya nagkakaganyan. So, you know, I hope his doctors take better care of him than this – hindi pinababayaan itong mga nagiging problema,” dagdag ni President Marcos.

Itinanggi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang alegasyon ni Duterte na nagsasabing si Pangulong Marcos ay hindi kailanman nasa watchlist para sa mga taong nauugnay sa paggamit ng ilegal na droga.

vuukle comment

DOCTOR

HEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with