^

Bansa

Gadon saludo sa Amnesty Proclamations ni Pangulong Marcos

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinuri ni Presidential Adviser on Poverty Alleviation Secretary Larry Gadon si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa pag-iisyu nito ng mga Proclamations Orders na nag-aalay ng amnestiya sa mga miyembro ng mga rebolusyonaryong kilusan.

Ang mga Proclamation Nos. 403, 404, 405, at 406 ni Marcos para sa mga dating kasapi ng New People’s Army, Moro Islamic Liberation Front (MILF), Moro National Liberation Front (MNLF) at ng Rebolusyonaryong Partido ng Manggagawa ng Pilipinas/Revolutionary Proletarian Army/Alex Boncayao Brigade (RPMP-RPA-ABB) ay patunay na sinsero ito na makamit ang pagkakaisa, katarungan at kapayapaan tungo sa kaunlaran ng bansa.

Dagdag pa ni Gadon ang ‘amnesty’ na inilabas ni PBBM ay magsisilbi ring tulay hindi lamang sa kapayapaan sa bansa kundi pati sa pag-aangat ng antas ng kabuhayan ng mara­ming Filipino upang maialis sila sa kahirapan at kagutuman. Pinatunayan naman ito aniya ng survey na naglalahad na unti-unti nang nababawasan ang bilang ng mga nagugutom na mga Filipino nitong mga nagdaang mga buwan.

vuukle comment

LARRY GADON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with