Higantes Festival 2023, patunay ng pagbangon ng turismo sa Philippines

MANILA, Philippines — Pinuri ni Senador Francis “Tol” Tolentino ang pagdiriwang ng Higantes Festival 2023 noong Linggo bilang pagpapakita ng muling pagbangon ng turismo sa bansa.

“Ang Higantes Festival ay pagpapakita na bumaba­ngon na ang turismo-pagpapakita ng talento at pagtitiyaga ng mga taga-Angono,” sabi ni Tolentino sa kanyang talumpati sa Grand Parade ng festival.

Pinuri rin ni Sen. Tol ang pagkamalikhain ng mga residente ng Angono na makikita sa mga Higantes o mga higanteng papier-mâché puppets, street dance, at sa buong pagsasagawa ng festival.

Ibinahagi rin ng senador ang kanyang inisyatiba sa pagtatayo ng Angono Art Center.

“Next year, sisimulan po natin ang Angono Art Center. Ito po ay pagpapakita sa buong Pilipinas na ang Angono, Rizal ay sentro ng kultura at ng mga malikhaing Pilipino,” anang mambabatas.

Ang Higantes Festival ay isang taunang kapistahan sa Angono upang gunitain ang patron ng munisipyo, si St. Clemente, at ang pag-aalsa na may kaugnayan sa agrikultura ng mga residente ng Angono noong panahon ng mga Espanyol.

Show comments