^

Bansa

Crime rate bumaba - PNP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Crime rate bumaba - PNP
Philippine National Police (PNP) Chief Benjamin Acorda Jr. on Thursday leads the send-off ceremony at Camp Bagong Diwa in Bicutan, Taguig for the security forces assigned to President Ferdinand Marcos Jr.'s State of the Nation Address (SONA) on July 24, 2023.
STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Bumaba ang crime rate sa buong bansa matapos paigtingin ng Philippine National Police (PNP) ang anti-criminality campaign nito partikular na sa pagpasok ng ‘ber months’.

Ayon kay PNP spokesperson P/Col. Jean Fajardo, nakapagtala ng 31,864 insidente ng krimen laban sa tao at mga ari-arian mula Enero hanggang Oktubre ng 2023.

Bumaba ito ng 2,838 insidente kumpara sa kaparehong period noong 2022.

Sa rekord ng PNP, karaniwang tumataas ang krimen habang nalalapit ang pagdiriwang ng kapaskuhan.

Nakatulong din anya ang mga force multipliers gaya ng mga barangay tanod at security guard na nagbabantay sa mga komunidad at maigting na nakikipagkoordinasyon sa pulisya.

Sa kasalukuyan ay mahigpit ang pagtutok ng pulisya sa bisinidad ng mga shopping malls, commercial cen­ters, pook pasyalan habang kapag nag-umpisa na ang Simbang Gabi ay kasama na rin ang mga simbahan.

vuukle comment

CRIME

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with