^

Bansa

Re-supply mission sa Ayungin Shoal tagumpay

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa kabila ng mga ginagawang pagharang at pangha-harass ng mga barko ng Chinese Coast Guard, tagumpay ang isinagawang re-supply mission sa mga sundalong nagbabantay at nakatalaga sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Ito ang inihayag ng National Task Force for the West Philippine Sea kung saan nadalhan ng mga pagkain, gamot at iba pang pangangailangan ang mga sundalo.

Hindi nagpatinag ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines at Philippine Coast Guard at naihatid ang mga kailangang gamit at pagkain. Gamit ng PCG ang BRP Cabra at BRP Sindangan vessels.

“The routine follow-up Rotation and Resupply (RoRe) mission to the BRP SIERRA MADRE (LS 57) was successfully conducted today, August 22, through the combined efforts of the Armed Forces of the Philippines and the Philippine Coast Guard,” anang NTF WPS.

Una nang sinabi ni dating US Air Force official at dating-Defense Attaché Ray Powell na nagpakalat ng apat na militia ships ang China sa Mischief Reef upang harangin ang follow-up resupply mission sa Ayungin Shoal.

vuukle comment

CHINESE COAST GUARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with