^

Bansa

MTRCB execs pinagbibitiw sa ‘Barbie’

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinagbibitiw sa puwesto ni 2nd District Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez ang mga namumuno sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa pagbibigay ng ‘green light’ sa pelikulang ‘Barbie’ para maipa­labas sa bansa.

Ayon kay Rodriguez, isang malaking kahihiyan ang desisyong ito ng MTRCB sa Pilipinas lalong-lalo na kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sinabi ni Rodriguez na dapat ng magsipagbitiw ang mga executives ng MTRCB sa kabiguang suportahan at panindigan ang nasyonal na interes ng bansa.

Ginawa ng solon ang panawagan kasunod ng desisyon ng MTRCB na payagan ang commercial release ng pelikulang “Barbie” ng Warner Bros sa bansa sa darating na Hulyo 19. Ang pelikula ay pinagbibidahan ng Australian actress na si Margot Robbie. 

Inihayag ni Rodriguez na hindi dapat ipalabas ang ‘Barbie’ sa bansa dahil naglalaman ito ng depiksiyon sa reference ng China sa pinalawak na nine-dash-line territorial claim sa pinag-aagawang South China Sea kabilang ang ilang bahagi ng 200 milyang Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa.

Aniya, lubhang kakatawa na mismong ang ­Vietnam ay ipina-ban ang pelikulang ‘Barbie’ dahil sa kaduda-dudang nilalaman ng peikula sa natu­rang 9-dash-line ng China pero tila ang MTRCB ay nais pang i-promote ang walang basehang pagpapalawak ng nasasaklaw na teri­toryo ng Beijing sa WPS kabilang na ang mga inookupa ng Pilipinas.

“The board’s decision is doubly shameful and doubly ironic in the face of yesterday’s expressions of support by the United States and numerous countries, the ­latest of which is India, for our 2016 arbitral victory,” anang Mindanao solon.

Ikinatwiran naman ng MTRCB na naniniwala ang Board na lahat ng bagay ay ikinonsidera at wala ring basehan para i-ban ang pelikulang ‘Barbie’ dahil wala naman aniyang malinaw na depikson ng 9-dash-line sa parte ng pelikula.

vuukle comment

MTRCB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with