^

Bansa

Mananakay mas makikinabang sa motorcycle taxi law

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Mananakay mas makikinabang sa motorcycle taxi law
Motorists experience a bumper-to-bumper traffic along West Avenue Quezon City on May 5, 2023.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Mas makikinabang umano ang mga mananakay sa sandaling maisabatas ang motorcycle law dahil makakahikayat pa ito ng pagpasok ng motorcycle companies sa bansa.

Ito ang sinabi ni Grab Senior Executive Vice President LIm Yew Heng sa joint public hearing ng Senate committees on Public services and Local government kaugnay sa panukalang pag-regulate at gawing legal ang motorcycles for hire at pagsiguro na ligtas at affordable ito bilang pampublikong sasakyan.

Ayon pa kay Lim, na ang well regulated at inclusive framework para sa motorcycle taxis sa bansa ay magkakaroon ng magandang benepisyo.

“Passing a law that regulates motorcycle taxis stabilizes the regulatory environment, which will encourage healthy competition,” pahayag pa ng ehekutibo ng Grab na lumipad pa mula Singapore para makadalo sa pagdinig na pinamumunuan ni Senador Grace Poe.

Kapag mabilis umanong naisabatas ang nasabing panukala ay mas makakabuti sa mga consumer na sa ilalim ng kasalukuyang setup ay makakapili lamang sa tatlong motorcycle companies.

Ang tatlong kumpanya ay ang Angkas, Joyride at Move It na pinapayagang na tumakbo sa mga lansangan sa Metro Manila sa ilalim ng provisional authority na inisyu ng Department of Transportation.

vuukle comment

LAW

MOTORCYCLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with