^

Bansa

'Pahalik' pwede na uli ngayong Holy Week; tetano ibinabala vs penitensya

James Relativo - Philstar.com
'Pahalik' pwede na uli ngayong Holy Week; tetano ibinabala vs penitensya
A Catholic devotee flagellates himself to mark the holy week of Easter in Navotas, suburban Manila on April 15, 2022.
AFP/Jam Sta. Rosa, File

MANILA, Philippines — Hindi na pinaiiwas ng Department of Health (DOH) ang publiko sa paghalik sa mga imaheng relihiyoso ngayong Mahal na Araw kahit na bahagyang tumataas ang kaso ng COVID-19 — pero hindi pa rin nila susuportahan ang pagpepenitensya at pagpapapako sa krus.

Matatandaang taong 2022 lang nang abisuhan ng DOH ang Simbahang Katoliko na ipatigil muna ang mga gawain gaya ng pagpapahalik sa mga "poon" pati na ang pagpapapako lalo sa gitna ng pandemya, ito habang may ibang mga paraan para magpakita ng panata sa relihiyon.

"'Yung flagellation, 'yung pagpapako sa krus, we do not encourage and we really do not... push for or support these kinds of activities during the Lenten season," wika ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, Martes.

"Unang-una, ang maaari niyong makuha kapag kayo ay nagpapapako sa krus ay tetano. Maaaring... matetano rin kayo 'yung flagellation, 'yng hinahampas kasi minsan may mga pako rin 'yung mga dulo ng pang-hampas."

"So we discourage this."

Sabi pa ni Vergeire, maaari rin itong mauwi sa iba't ibang uri ng impeksyon na posibleng makaapekto sa malawak na bahagi ng katawan.

Maaari rin daw mauwi ang pagpapapasko sa sa mga pasa at sprain, maliban pa sa pagkakabali ng maliliit na mga buto sa mga kamay at paa. 

Nagpapapako at nagpapapalo ang mga Pinoy tuwing Mahal na Araw dahil sa iba't ibang dahilan — ang ilan para pagbayaran ang kanilang kasalanan, magpasalamat o hindi kaya para sumunod sa panata.

Ayon sa DOH official, mas mainam na humanap na lang ng ibang paraan para ipakita ang pananampalaya ngayong holiday season para maiwasan ang anumang masamang apekto sa kalusugan.

Pahalik at COVID-19

Samantala, wala naman na raw pagbabawal sa ngayon pagdating sa paghalik sa mga imahen ngayong Holy Week. Sa kabila nito, may mga paraan daw upang maging mas ligtas ito.

"'Yun pong ating paghahalik sa mga poon, wala ho tayong restriction ngayon. Katulad nga ng sabi ko, maaari po nating gawin kung ano po 'yung mga usual na ginagawa natin. Dapat lang ang bawat isa sa atin alam kung paano tayo mag-iingat," dagdag pa ni Vergeire.

"So it wil be up to each and every person, bawat Pilipino, na isipin kung sa tingin nila kapag hu malik sila ay sila ay sila ay magiging safe, maaari po nilang gawin 'yon. Pero kung kayo naman po ay sa tingin niyo hindi kayo magiging safe, don't do that. Just as long as you know how to protect yourself."

Kung maaari, magandang magsuot daw ng mask at tiyaking bakunado ang mga nagbabalak pumunta sa mga matataong lugar ngayong Semana Santa.

Para sa mga hahalik sa mga imahen, maaari naman daw gumamit ng mga pamunas bago ito gawin ngunit mas ligtas pa rin daw na hawakan na lang ang poon at hawakan na lang ang dibdib kaysa magdikit ng labi na pwedeng maging dahilan ng pagkakahawa ng COVID-19.

Umabot na sa 4.08 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas simula nang makapasok ito ng bansa noong 2020. Sa bilang na 'yan, 9,463 ang aktibo pang kaso habang 66,390 na ang namamatay.

vuukle comment

CRUCIFIXION

DEPARTMENT OF HEALTH

HOLY WEEK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with