Pagbibitiw ng DICT chief pinanghinayangan
MANILA, Philippines — Nanghihinayang si dating Partylist representative at Cybersecurity advocate Ashley “Ace“ Acedillo sa pagbibitiw sa puwesto ni dating Undersecretary for Police ang Legal Affairs ng Department of Information and Communications Technology (DICT) Atty. Jose Vicente Salazar.
Kasabay nito, pinapurihan ni Acedillo si Salazar bilang epektibong tulay sa pagitan ng pamahalaan at ng pribadong sektor. Tinuloy ni Acedillo na kabilang dito ay ang e-governance, cybersecurity at ang Implementing Rules and Regulation (IRR) ng SIM Card Registration.
Sa kasalukuyan, si Acedillo ay tumatayong Chief of Staff ng makapangyarihang Senate Blue Ribbon Committee.
“It saddens me, though, to see him leave government service as we will lose a very capable, knowledgeable and honest public servant in Atty. Salazar. But family comes first, and I admire his decision in any case,” ani Acedillo na ang tinutukoy ay ang pagbibitiw sa puwesto ni Salazar dahilan sa kondisyon ng kalusugan ng kaniyang misis.
Sinabi ni Acedillo na sa pag-alis ni Salazar sa posisyon nito sa gobyerno ay malaki itong kawalan bilang isang mahusay na partner sa misyon at adbokasya ng sektor ng teknolohiya sa Information and Communications.
Binigyang diin ni Acedillo na kahanga-hanga ang mga nagawa ni Salazar sa pagseserbisyo nito sa gobyerno mula pa sa pagiging Undersecretary ng Department of Justice bilang kinatawan sa Board of the Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).
- Latest