^

Bansa

OFW deployment sa Saudi balik sa Nobyembre

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagkasundo ang Department of Migrant Workers (DMW) at Kingdom of Saudi Arabia para sa muling pagpapatuloy ng deployment ng Filipino workers sa naturang bansa simula sa Nobyembre 7, 2022.

Ito’y matapos pumirma ng joint statement sa Jeddah at Riyadh, KSA si DMW Secretary Susan Ople at Saudi Ministry of Human Resources and Social Development (MHRSD) Minister Ahmad Bin Sulaiman Al-Rajhi at iba pang opisyal doon para mapadali ang disente at produktibong trabaho ng mga OFWs at masiguro ang kanilang mga proteksyon at karapatan.

Iginiit ni Ople na maha­laga ang kasunduan para masiguro ang magandang relasyon ng dalawang bansa pagdating sa labor force kung saan magbebenepisyo ang mga manggagawang Filipino na gustong magtrabaho sa KSA.

Sinunod umano ng kalihim ang direktiba ng Pangulo na makipagtulu­ngan bilang isang koponan at para sa DFA at DMW na magsalita nang may isang boses.

Binigyang-diin ni Ople ang pangako ng dalawang bansa para sa joint partnership laban sa trafficking ng mga migranteng manggagawa, na isa pang prayoridad ng administrasyong Marcos.

vuukle comment

DFA

DMW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with