^

Bansa

Bong Go: Mental health ng mga Pinoy, protektahan

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nababahala si Senator Christopher “Bong” Go sa epekto ng patuloy na pan­demya at iba pang mga krisis sa kalusugan ng isip ng mga Pilipino kaya nanawagan siya para sa mas ma­lakas na interbensyon ng gobyerno, partikular sa pag­bibigay ng psychosocial services at suporta.

Idiniin ng senador ang naunang apela ng World Health Organizations sa mga bansa na mag-invest sa mental health matapos iulat na 2 porsyento lamang ng mga pambansang badyet sa kalusugan o mas mababa sa isang porsyento ng lahat ng internasyonal na tulong sa kalusugan ang napupunta lamang sa mental health.

Muling nanawagan si Go, chair of the Senate­ committee on health, sa gob­yerno na tuklasin­ ang lahat ng posibilidad ng pag­papaabot ng kinakaila­ngang gabay sa mga pa­milya, lalo’t ang pandem­yang COVID-19 ay patuloy na nakakaapekto, hindi lamang sa kabuhayan at pisikal na kalusugan ng mga Pilipino, kundi pati na rin sa kanilang emosyonal at kondisyon sa pag-iisip.

Binigyang-diin niya na ang patuloy na pagsisikap ay dapat gawin upang ganap na maisakatuparan ang layunin ng landmark na Mental Health Law na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2018.

Ang Republic Act 11036 ay nagtatatag ng isang pambansang patakaran sa kalusugan ng isip na nakatuon sa pagpapabuti ng kalusugan ng populasyon.

Bilang Vice Chair ng Senate committee on fi­nance, matagumpay na na­isulong ni Go ang karagdagang pondo para sa pagpapatupad ng Mental Health Law sa 2021 at 2022 na badyet.

vuukle comment

CHRISTOPHER “BONG” GO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with