Monthly honorarium sa SK officials aprub kay Duterte
MANILA, Philippines — Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas na naglalayong mas palakasin ang Sangguniang Kabataan (SK) kung saan makakatanggap na rin ang mga ito ng buwanang honorarium.
Inamiyendahan ng Republic Act No. 1176 ang ilang probisyon ng Sangguniang Kabataan Reform Act of 2015 kung saan lahat ng SK members kabilang ang treasury at secretary ay makakatanggap ng monthly honorarium tuwing katapusan ng monthly SK meeting.
Pero hindi dapat lumampas ang honorarium sa 25 porsiyento ng SK funds at hindi dapat humigit sa tinatanggap na sahod ng SK chairperson.
“The sangguniang Kabataan members, including the Sangguniang Kabataan treasurer and secretary, shall receive a monthly honorarium, chargeable against the Sangguniang Kabataan funds, in addition to any other compensation provided by this Act,” nakasaad sa batas.
Ang mga local government units ay maaaring magbigay nang karagdagang bayad at social welfare contributions at hazard allowance sa SK chairperson at iba pang elected at appointed members ng SK sa pamamagitan ng mga lokal na ordinansa.
Mabibigyan din ng civil service eligibility ang mga SK members base sa kanilang taon sa serbisyo.
- Latest