^

Bansa

'Mga bastos, balimbing': Senate bet Espiritu sinabon pro-Marcos candidates sa SMNI debates

James Relativo - Philstar.com
'Mga bastos, balimbing': Senate bet Espiritu sinabon pro-Marcos candidates sa SMNI debates
Litrato nina 2022 senatorial candidates Luke Espiritu (kaliwa), Larry Gadon (gitna) at dating presidential spokesperson Harry Roque (kanan)
Video grab mula sa Youtube channel ng SMNI News

MANILA, Philippines — Ginisa ng senatorial candidate at labor lawyer na si Luke Espiritu ang mga kapwa kandidatong sina suspended lawyer Larry Gadon at dating presidential spokesperson Harry Roque sa mga Martial Law abuses — bagay na ipinataw ng tatay ng presidential candidate ng dalawa noong 70s.

Miyerkules nang ipinapaliwanag ni Espiritu sa SMNI senatorial debates ang kanyang pagtutol sa pagbaba sa age of criminal responsibility, at sa halip turuan ang mga bata laban sa paglabag ng karapatang pantao kagaya na lang noong diktadura ni dating Pangulong Ferdinand Marcos. 

Ilang beses sumabat dito si Gadon, na parte ng senatorial line up ni 2022 presidential candidate Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.: "We should not use this forum for a propaganda against the Marcoses."

Binara naman siya ni Espiritu — dating presidente ng militanteng Bukluran ng Manggagawang Pilipino at senatorial candidate ni Ka Leody de Guzman — habang idinidiin ang 70,000 ang kinulong, 34,000 ang tinorture habang 3,200 pinatay noong Batas Militar.

"Dapat itinuturo sa school na masama ang extrajudicial killing, masama ang red-tagging, masama si Marcos, na marami siyang human rights violations... Hindi dapat pumapatay [at nagnanakaw] ang ating gobyerno. Diyan tayo magkakaroon ng mabuting henerasyon ng mga kabataan," 

"It's my time [to talk sa debate, not yours], 'wag kang bastos [Gadon]! [The data on human rights violations] is a matter of record."

 

 

Ilang beses sisingit si Gadon para baguhin ang usapan patungo sa diumano'y pagbomba nina Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairperson Jose Maria Sison sa political rally ng Liberal Party sa Plaza Miranda noong 1971, kahit na sa totoo'y kinukundena ng mga komunista ang insidente simula't sapul.

Walang kuneksyon sa human rights violations ni Marcos ang bombing, ngunit nagamit ito ni Marcos sa pagsuspindi ng writ of habeas corpus. Isang taon matapos nito, idedeklara ang Martial Law.

Humaharap si Gadon, na suspendido ng Supreme Court sa pag-practice ng law, sa patung-patong na kaso kaugnay ng mga pagmumura at "malisyosong" atake laban sa isang Filipina journalist.

Roque: From anti-Marcos to BBM candidate

Ipinagtanggol naman ni Roque, na kumakandidato rin sa UniTeam nina Bongbong at vice presidential candidate Davao City Mayor Sara Duterte, si BBM hinggil sa mga alegasyon ng pang-aabuso at ill-gotten wealth — kahit na kilala siyang dating kritiko ng Marcoses.

"Kung anuman ang nangyari sa nakaraan, inisa-isa ko po ang records, wala pong kaso for human rights violations sa Amerika si Ferdinand Marcos Jr.," ani Roque.

"Inisa-isa ko rin po ang mga kaso na decided po ng ating Philippine Supreme Court... Wala pong kaso na siya po mismo ang nagnakaw."

Dating public interest lawyer si Roque at madalas magsalita noon laban sa mga pang-aabuso ni Marcos. Patuloy na kinekwestyon ni Bongbong ang mga datos hinggil sa violations ng kanyang ama hanggang ngayon.

Una nang sinabi ni dating SC Chief Justice Ma. Lourdes Sereno na may tatlong desisyon ang Kataang-Taasang Hukuman na nag-e-establish na may nakaw na yaman ang pamilya Marcos. Itinayo ang Presidential Commission on Good Government (PCGG) para bawiin ang mga ito.

"With all due respect to [Attorney] Harry Roque, I know your history. You were anti-Marcos before. You were for human rights before," banggit ni Espiritu.

"You spent your life against the Marcoses... And now that you were given a Senate spot under the party of Bongbong Marcos, now you cry 'hallelujah' ang praise Marcos?"

 

 

 

Sa 2018 video na ito ni Roque noong tagapagsalita pa siya ni Duterte, idinidiin niyang may mga desisyon nang magpapatunay na may "grave violations of human rights" sa ilalim ni Marcos, dahilan para magkaroon pa nga ng batas nagbibigay ng compensation sa mga biktima ng Martial Law.

“I don’t think they can twist history, where there’s a law and court decisions attesting to what happened during martial law,” wika ni Roque noon.

vuukle comment

2022 NATIONAL ELECTIONS

BONGBONG MARCOS

FERDINAND MARCOS SR.

HARRY ROQUE

LARRY GADON

LUKE ESPIRITU

MARTIAL LAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with