^

Bansa

Patay sa 'Odette' sumipa na sa 326 ngayong bisperas ng Pasko

Philstar.com
Patay sa 'Odette' sumipa na sa 326 ngayong bisperas ng Pasko
Fallen electric pylons block a road while a sign asking for food (L) is displayed along a road in Surigao City, Surigao del norte province, on Dec. 19, 2021, days after Super Typhoon Rai (Odette) devastated the city.
AFP/Ferdinandh Cabrera

MANILA, Philippines — Lalo pang sumirit ang bilang ng mga pumanaw dulot ng Typhoon Odette isang araw bago ang araw ng Pasko, ayon sa talaan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Umabot na kasi sa 326 ang namamatay sa naturang bagyo, maliban pa sa 661 sugatan/nagkasakit, sabi ng NDRRMC ngayong Biyernes. Karamihan sa mga nasawi ay galing sa probinsya ng Bohol sa bilang na 96.

Narito ang bilang ng mga apektado dulot ng sama ng panahon:

  • patay (326)
  • sugatan (661)
  • nawawala (58)
  • apektadong tao (3.38 milyon)
  • nailikas na nasa evacuation centers (352,384)
  • nailikas na nasa labas ng evacuation centers (277,050)
  • pre-emptively evacuated (744,192)

Ilan sa mga malubhang tinamaan ng bagyo ang MIMROPA, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao Region, Soccsksargen, CARAGA at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Tinatayang papalo naman sa P2.03 bilyon ang halaga ng pinsalang idinulot ng bagyo sa sektor ng agrikultura, habang P3.99 bilyon naman sa imprastruktura.

Aabot na sa 348,642 ang napipinsalang bahay kay Odette — na pinakalakas na bagyong pumasok sa Philippine area of responsibility ngayong 2021 — 228,156 sa mga ito ay bahagyang pagkakapinsala habang ang 120,486 ay wasak na wasak. Ang nabanggit ay aabot sa halagang P4.5 milyong damages.

Nakataas naman ang state of calamity sa nasa 343 lungsod at munisipalidad sa buong Pilipinas. Dala ito ng Proclamation 1267 na nagsasailalim sa Regions s IV-B, VI, VII, VIII, X at XIII sa nabanggit noong ika-21 ng Disyembre.

Sa kabila ng lahat ng ito, P68.12 milyon halaga naman ng ayudang ibinibigay ng gobyerno sa mga nasalanta ng bagyo, bagay na kumakatawan naman sa mga face masks, bigas, sleeping kits, pagkain atbp. — James Relativo

vuukle comment

BAGYONG ODETTE

NDRRMC

SUPER TYPHOON ODETTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with