Sa ika-2 sunod na taon: UPCAT suspendido uli sa banta ng COVID-19
MANILA, Philippines — Muling maaantala ang pagkakasa ng admission tests para sa Unibersidad ng Pilipinas (UP), ang itinuturing na pinakamahusay na kolehiyo sa bansa, para sa susunod na academic year bilang pag-iingat pa rin sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.
Ito ang pahayag ang unibersidad ngayong Martes sa gitna ng "mas nakahahawang" Omicron variant kahit na tuloy-tuloy na ang pagbaba ng bagong COVID-19 cases sa Pilipinas.
"For the second year in a row, the University of the Philippines (UP) will not be administering its UP College Admissions Test (UPCAT) for AY 2022-2023," ayon sa paaralan kanina.
NO UPCAT YET FOR AY 2022-2023
— UP Public Service #KaagapayUP (@UPPublicService) December 7, 2021
The University of the Philippines will be using its admissions model developed by the Office of Admissions for the intake of AY 2022-2023. Read more here: https://t.co/DpUCgqd0Ro. pic.twitter.com/PCGo80LKaq
Aniya, ibinatay daw ito sa Memorandum No. OVPAA 2021-158 na inilabas ng UP Office of the Vice President for Academic Affairs noon pang ika-18 ng Nobyembre, 2021.
Ilan sa mga tinutukoy na dahilan ang "matinding logistical challenge" ng pagsasagawa ng UPCAT sa UP campuses and 95 testing centers sa buong Pilipinas habang "hindi pa natitiyak" ang pupuntahan ng COVID-19 pandemic.
Sinasabing bumoto pabor sa naturang mosyon ang kalakhan ng University Councils, na siyang pinakamataas na policy-making body ng bawal UP constituent university (CU) sa buong UP System. Binubuo ito ng chancellor, mga propesor, associate professors at assistant professors ng bawat CU.
Uulitin ang ginawa noong nakaraang taon
Muling gagamitin ng UP ang admissions scoring model na kanilang ginamit noong Ay 2021-2022.
"According to the memo: 'In light of this decision, the Admissions Scoring Model, which the Office of Admissions’ data scientists developed' and refined by 'a working group of experts designated by their respective CUs' and that 'the University Councils overwhelmingly approved in 2020, will continue to be used with some fine-tuning in the preprocessing and transmutation of grades that enter the model,' ayon sa unibersidad.
Nananatiling ang UP ang bukod-tanging paaralan mula Pilipinas na nakasali sa Quacquarelli Symonds top 100 Asian university rankings ngayong taon, matapos nitong masungkit ang ika-77 pwesto mula sa lahat ng 687 unibersidad na naroon.
Sa kabila nito, bumaba ang naturang top state university sa 2022 Times Higher Education Rankings matapos nitong mapunta sa 601-800 bracket. Nasa 401-500 kasi ito noong nakaraang taon. — James Relativo
- Latest