^

Bansa

'Tama na suspense': Vico Sotto inasinta re-election bilang Pasig mayor

Philstar.com
'Tama na suspense': Vico Sotto inasinta re-election bilang Pasig mayor
Makikita sa larawang ito ang paghawak ni Pasig City Mayor Vico Sotto ng kanyang certificate of candidacy sa paghahain niya ng re-election bid para sa naturang lungsod, ika-1 ng Oktubre, 2021
Mula sa Facebook page ni Vico Sotto

MANILA, Philippines — Muling tatakbo sa parehong posisyon ng pagkaalkalde si Pasig City Mayor Vico Sotto, dahilan para maging ikalawang termino na niya ito kung papalarin.

Sinamahan si Vico ng kanyang mga magulang, kilalang mga aktor at aktres na sina Vic Sotto at Coney Reyes, sa unang araw ng filing ng certificate of candidacy (COC) sa Commission on Elections ngayong ika-1 ng Oktubre.

"Nag-file na po ako kaagad ng COC para tapos na, di naman kailangan ng drama at suspense," banggit ng batang mayor sa kanyang Facebook post, Biyernes.

"Basta, panahon man ng pulitika o hindi, uunahin natin ang trabaho."

Hinahangaan si Vico dahil sa kanyang estilo ng pamumuno, pagreregularisa ng mga empleyado, pagkampi sa mga manggagawa at pag-handle ng COVID-19 pandemic sa Pasig, isang lungsod ilang dekadang hawak ng pamilya Eusebio. Siya ang unang nakabasag sa streak na ito sa loob ng 27-taon noong 2019.

Ayon kay Sotto, malaki ang ipinagbago ng Pasig sa kanyang pamumuno, gaya na lang ng pagbubukas ng procurement/bidding kung saan nasa P1 bilyon kada ang ibininaba ng mga presyo ng mga binibili o pinapagawa ng kanilang local government unit.

"Ngunit nahirapan tayo at maraming proyekto na naantala dahil sa pandemya. 9 months lang ako naging mayor sa normal na sitwasyon. Kaya sa susunod na term, magtulungan tayo para bawiin ang oras na ninakaw sa atin ng COVID-19," dagdag pa niya.

"Ang hiling ko lang sa inyo, bigyan niyo ako ng mga kasanggang MAPAGKAKATIWALAAN natin. Yung hindi puwesto o pera ang habol, kundi yung magiging katuwang ko para paigtingin pa ang mga reporma't serbisyo ng pamahalaan."

Humingi naman ng dispensa ang 32-anyos na mayor sa lahat ng kanyang mga supporters na gusto sanang sumama sa kanyang filing.

Aniya, hindi na siya nag-imbita pa ng mga tao para na rin makasunod sa Comelec health protocols na itinakda sa gitna ng COVID-19 pandemic. — James Relativo

vuukle comment

2022 NATIONAL ELECTIONS

COMMISSION ON ELECTIONS

PASIG CITY

VICO SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with