^

Bansa

Hawahan ng COVID-19 sa Metro Manila bumaba pa sa 0.99 – OCTA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bumaba pa ang bilang ng hawahan ng COVID-19 sa Metro Manila ng makapagtala ng reproduction number na 0.99 mula sa 1.03 nitong Miyerkules, batay sa ulat ng OCTA Reseach Group.

Bukod sa NCR, bumaba rin ang reproduction number sa Cavite na nasa 0.87 na lamang, Laguna, .90; Bulacan, 0.86; Cebu City, 0.66 at Davao City na nasa 1.0.

Dahil dito, inaasahan na luluwag ang kapasidad ng mga pagamutan sa mga nabanggit na lugar sa mga darating na araw hanggang kalagitnaan ng Oktubre.

Umaasa rin si Dr. Guido David ng OCTA na magtuluy-tuloy na ang pagbaba ng hawahan ng virus upang mapasimulan na ang recovery ng ekonomiya ng bansa.

Maraming buhay ang nawala at bumagsak ang ekonomiya mula nang umatake ang COVID pandemic noong March 2020 at mas nadoble ang bilang ng kaso ng pumasok ang Delta variant.

Inaasahan naman ng pamahalaan na bago matapos ang 2021 ay matamo na ang herd immunity dulot ng patuloy na ginagawang pagbabakuna sa iba’t ibang panig ng bansa. - Danilo Garcia

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with