^

Bansa

5.2 milyong Pinoy, matutulungan ng BDP sa loob ng 2 taon

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaabot sa 5.2 milyong Pilipino mula sa malala­yong barangay sa bansa ang matutulungan ng Barangay Development Program (BDP) ng pamahalaan.

Bilang pagtatanggol sa budget ng BDP para sa taong 2022, mariing sinabi ni National Security Adviser at NTF-ELCAC Vice Chairman Hermogenes Esperon na naging instrumento na ng pag-unlad ang programang ito ng pamahalaang Duterte para sa maraming Filipino.

Sa 2022, aabot sa 1,404 barangay ang naisama na sa BDP na ang bawat  barangay ay bibigyan ng P20-milyong halaga ng mga proyekto matapos na sila ay makalaya mula sa impluwensiya ng CPP-NPA.

Ang budget na ilalaan para sa BDP sa susunod na taon ay aabot sa P28.2 bilyon.

Nilinaw ni Esperon na ang  naturang mga barangay ay dumaan sa masusing proseso na tinatawag na Community Support Program, sa pangunguna ng Armed Forces of the Philippines, mula 2020 hanggang unang quarter ng 2021.

Ang mga barangay na ito ay matatagpuan sa mga lalawigan ng Sorsogon, Bukidnon, Davao de Oro, North Cotabato, Agusan del Sur, Davao City, Camarines Sur, Surigao del Sur at iba pa.

Anya, panahon na para pasaganahin ang buhay ng mga Filipino matapos na sila ay kubkubin ng NPA sa loob ng marang dekada.

 

vuukle comment

BARANGAY DEVELOPMENT PROGRAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with