_ngayon
^

Bansa

82 na pulis ng QCPD kumpirmadong nag-positibo sa COVID-19

Philstar.com
82 na pulis ng QCPD kumpirmadong nag-positibo sa COVID-19
Binabarikadahan ng mga pulis na ito ang kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City, ika-26 ng Hulyo, 2021
Philstar.com/Deejae Dumlao

MANILA, Philippines — Lagpas otsentang pulis mula sa Quezon City Police District ang nagpositibo kamakailan mula sa nakamamatay na coronavirus disease (COVID-19), ayon sa lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Quezon City.

Umabot sa 82 miyembro ng QCPD Station 3 ang nahawaan ng COVID-19, matapos sumailalim sa swab test ang 161 pulis nitong ika-23 ng Hulyo, ayon kay QC Mayor Joy Belmonte sa ulat ng CNN Philippines. Sa kabila nito, 79 naman sa kanila ang nagnegatibo mula sa virus.

Ang QCPD Station 3 ay nasa bahaging Novaliches ng lungsod.

Kinumpirma na ni Police Maj. Wennie Ann Cale,  QCPD public information office chief, ang balita sa panayam ng Philstar.com.

"Confirmed, but the [District Director] will elaborate further," ani Cale, Miyerkules. Aniya, magbibigay sila ng update sa balita mamayang 1 p.m.

Hindi pa naman tiyak kung kasama sila sa 15,000 pulis na nag-duty nitong Lunes sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte sa QC. Gayunpaman, sinasabing dapat na naka-quarantine pa sila noon dahil Biyernes lang sina tinest.

Detalye, inaalam pa

Humihingi rin ng karagdagang detalye ang Philstar.com mula kay Dr. Rolly Cruz, head ng Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU), patungkol sa isyu ngunit hindi pa rin tumutugon sa ngayon.

Wala pa ring sagot ang Department of Health (DOH) sa mga reporters kung maituturing itong superspreader cluster lalo na't madalas makasalamuha ng publiko ang mga pulis.

Inaabangan pa naman ng media kung irerekomenda ng DOH sa mga nagprotesta sa SONA na magpa-swab test para malaman kung tinamaan din sila ng COVID-19.

Martes lang nang sabihin ng DOH na nagkakaroon ng pagtaas sa kaso ng COVID-19 sa Metro Manila, pero ayaw pa nilang ianunsyong merong "surge" sa ngayon.

Una nang sinabi ng OCTA Research na dapat magkaroon ng "circuit-breaking" lockdowns dahil sa diumano'y surge sa Kamaynilaan, na maaaring itinutulak ng mas nakahahawang Delta variant.

Sa huling ulat ng pamahalaan kahapon, umabot sa 7,186 ang bagong hawa ng COVID-19 sa Pilipinas, ang pinakamataas sa nakalipas na 44 araw. Nasa 1.56 milyon na ang tinatamaan ng sakit sa Pilipinas, habang 27,318 na sa kanila ang patay.

Antabayanan ang mga karagdagang detalye sa balita

NOVEL CORONAVIRUS PHILIPPINE NATIONAL POLICE QUEZON CITY POLICE DISTRICT SONA 2021
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with