Roque tinawag na traydor si del Rosario
MANILA, Philippines — Binuweltahan kahapon ng Malacañang si dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario matapos nitong sabihin na nagtaksil si Pangulong Rodrigo Duterte sa Konstitusyon dahil isantabi ang 2015 arbitral ruling tungkol sa West Philippine Sea na pabor sa Pilipinas.
Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, si del Rosario ang totoong traydor kaya nawala sa Pilipinas ang Scarborough shoal.
Sinabi rin ni Roque na si del Rosario ang namigay ng teritoryo ng Pilipinas sa China at hangga’t wala itong naipapakitang teritoryo na ipinamigay ni Duterte ay dapat itong manahimik.
Hinikayat din ni Roque ang iba pang mga abogado at grupo na pag-aralan ang legal na pananagutan ni del Rosario sa pagsuko sa Scarborough shoal sa China.
Dapat din aniyang mangilabot si del Rosario sa mga sinasabi nito at mahiya sa buong bansang Pilipinas.
- Latest