^

Bansa

DILG, tutol buhayin ang peace talks sa CPP/NPA/NDF

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng pagtutol ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa posibleng muling pagbuhay sa peace talks sa pagitan ng pamahalaan at ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Sa isang pahayag na inilabas kahapon, sinabi ni DILG Undersecretary at Officer-In-Charge (OIC) Bernardo C. Florece, Jr., na buo ang suporta ng DILG sa posisyon ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na tumututol sa anumang hakbang para sa resumption o muling pagbuhay sa bigong usapang pang­kapayapaan sa mga rebelde.

Sinabi ni Florece na naniniwala sila na anumang back channel efforts upang maipagpatuloy muli ang peace talks ay walang saysay at balewala lamang dahil hindi kailanman nagpakita ng sinseridad dito ang CPP-NPA-NDF at sa halip ay pinatunayan pang tutol sila sa pagkakaroon ng kapayapaan sa bansa.

Anang opisyal, ang doble-karang nature ng mga komunistang tero­rista ay matagal na ring nabunyag dahil habang nagpapanggap ang mga ito na pabor sa pagkakaroon ng kapayapaan ay patuloy naman itong nang-a-ambush ng mga sundalo at mga pulis, nang-aabuso ng mga indigenous peoples, at nilalason ang kaisipan ng mga kabataan upang mahikayat na lumahok sa kanilang ipinaglalaban at magbitbit ng armas laban sa gobyerno.

Aniya, malinaw na ang peace talks para sa CPP-NPA-NDF ay hindi nila isinasagawa upang makamit ang kapayapaan at sa halip ay upang makakuha lamang ng concessions mula sa gobyerno nang walang ibinibigay na kapalit.

Aniya, sa halip na buhayin ang peace talks ay masigasig na lamang na isusulong ng DILG, kasama ang kanilang partners, ang pagkakaroon ng localized peace engagements na mas inclusive at nagpapahintulot sa partisipasyon ng LGU at komunidad sa lokal na usapang pangkapayapaan, direkta mismo sa mga gerilya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with