^

Bansa

Panukalang suspensyon ng SSS contribution hike lusot sa Senado

Philstar.com
Panukalang suspensyon ng SSS contribution hike lusot sa Senado
Sa litratong ito na kinunan noong ika-20 ng Enero, 2021, makikitang naglalakad ang ilang mamimili sa Balintawak Market, Quezon City
Released/Quezon City government

MANILA, Philippines — Aprubado na sa ikatlo at huling pagdinig ng Senado ang panukalang magbibigay pahintulot sa pagpapaliban ng paniningil ng mas mataas na kontribusyon sa Social Security System (SSS) kasabay ng mga national emergency.

Sa botong 21-0, pasado na ngayong Lunes ang Senate Bill 2027 na magbibigay kapangyarihan kay Pangulong Rodigo Duterte na pigilin ang SSS contribution hike ng anim na buwan.

Nangyari ang aksyon ng Mataas na Kapulungan kasabay na rin ng kahirapang pinansyal na idinulot ng coronavirus disease (COVID-19) sa marami.

"Magandang balita! Aprubado na po sa @senatePH ang panukalang magpapaliban sa SSS contribution hike," ani Sen. Sherwin Gatchalian kanina.

"Kailangan nating masiguro na nababawasan ang gastusin ng ating mga kababayan para makaahon sa pandemya."

Matatandaang alinsunod sa Republic Act 11199 ang isang porsyentong dagdag na kontribusyon sa SSS na dapat ipatutupad ngayong 2021 hanggang 2025.

Ika-1 lang ng Pebrero nang ipasa rin ng Kamara ang kahalintulad na panukala sa huling pagdinig

Kaugnay na balita: House OKs bill on suspension of SSS premium hike

"Nais natin magbigay ng lubos na tulong-pinansiyal sa mga Pilipino sa panahon ng pandemya, ngunit kailangan din natin alalahanin ang financial viability ng SSS," patuloy naman ni Gordon.

"Ito ay karagdagang tulong para sa tao dahil sa batas na ginawa natin sa R.A. 11199, mayroon na rin tayong financial breathing space para sa mga nawalan ng trabaho ngayong pandemic tulad ng unemployment benefit na MAAARING UMABOT NG Php 20,000 KADA BENEFICIARY."

Dagdag pa ni Gordon, napakaraming nawalan ng trabaho at nagsarang negosyo nitong mga nagdaang panahon habang nagsisitaasan ang bilihin, dahilan para kailanganing gawin ang nasabing measure.

Ipinasa ng Senado ang naturang panukala mahigit isang linggo matapos ipag-utos ng House public accounts panel ang pagsilip sa financial condition ng SSS.

Una nang sinabi ng SSS na maaaring mabagahe ito ng mga delay sa contribution hike, bagay na posibleng may negatibong epekto raw sa milyun-milyon nitong miyembro.

Kasama ang SSS sa top income earners sa inilabas na 2019 Annual Financial Report for Government Corporations ng COA, na siyang kumakatawan sa P268.10 bilyon sa P1.6 trilyong gross earnings ng state-owned and controlled corporations. — James Relativo

vuukle comment

CONTRIBUTION HIKE

NOVEL CORONAVIRUS

RICHARD GORDON

SENATE

SHERWIN GATCHALIAN

SOCIAL SECURITY SYSTEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with