^

Bansa

Dahil sa bagong variants ng COVID-19: Face mask, shield gawing mandatoryo - Bong Go

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nais ni Senator Christopher “Bong” Go na gawing mandatoryo ang pagsusuot sa mga pampublikong lugar ng face mask at face shield para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa.

Hiniling din ni Go sa pamahalaan na mamahagi ng libreng masks at face shields sa mga mahihirap na hindi makabili nito kung gusto itong mahigpit na maipatupad.

Sa isang pag-aaral na inilabas ng University of the Philippines-OCTA Research, lumitaw na 61% ng Metro Manila respondents ang palagi at regular lamang na gumagamit ng face shields sa labas ng kanilang mga tahanan.

“Hindi pa tapos ang laban kontra COVID-19. Huwag muna tayo magkumpyansa. Sumunod tayo sa patakaran ng gobyerno dahil ang kapakanan naman ng lahat ang inuuna natin dito,” ayon kay Go.

“Importante ang buhay ng bawat Pilipino. Para dun sa hindi makabili ng sarili nilang mask at face shield, bigyan dapat ng gobyerno ng libre para makapag-comply sila,” dagdag niya.

Sa kabila ng kaha­lagahan ng basic health guideline ng pagsusuot ng masks at face shields, sinabi ni Go na marami pa ring mahihirap na Filipino ang walang kakayahang bumili kaya umapela siya sa concerned government agencies na mamahagi nito nang libre.

“Marami po sa ating mga kababayan ang nawalan o nahihirapang maghanapbuhay dahil sa pandemya. Dagdag pasanin pa po sa kanila ang pagbili ng masks at face shields, kaya naman po hinihimok ko ang mga ahensya ng gobyerno na magbigay ng libreng masks at face shields sa mga mahihirap nating kababayan,” anang senador.

“Tulungan po natin silang makapag-comply sa mga health protocols na ating ini-impose dahil sa pandemya,” aniya.

vuukle comment

FACEMASK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with