^

Bansa

'UK travel ban' itutulak ng Malacañang dahil sa COVID-19 virus mutation doon

James Relativo - Philstar.com
'UK travel ban' itutulak ng Malacañang dahil sa COVID-19 virus mutation doon
Makikitang nakasuot ng face mask ang mga biyaherong ito sa isang paliparan sa gitna ng banta ng COVID-19, Enero 2020
The STAR/Rudy Santos, File

MANILA, Philippines — Kakalampagin na ng Palasyo ang Department of Transportation (DOTr) para magdeklara ng pansamantalang pagbabawal sa pagpasok ng mga biyaherong manggagaling ng United Kingdom matapos makumpirma ang bagong strain ng coronavirus disease (COVID-19) doon.

Una nang sinabi ng Department of Health (DOH) na binabantayan na nila ang sitwasyong ito sa London ngunit "hindi pa raw ito kailangan" sa ngayon ang travel restriction, ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, Lunes.

Basahin: DOH monitoring new coronavirus strain in UK

May kaugnayan: DOH: No new virus strain detected in Philippines

"Kakalampagin po natin ang DOTr because that's within their jurisdiction," pagkukumpirma ni presidential spokesperson Harry Roque sa isang press briefing, Martes.

"[P]anahon na para ikunsidera 'yang temporary travel ban sa UK bagama't pakinggan din po natin ang sinabi ng [World Health Organization] na hindi naman dapat ikabahala 'yan dahil ganyan nga po ang progression ng mga virus."

Ayon kay Sen. Ramon "Bong" Revilla," nagbaba na ng kanya-kanyang travel ban ang mga bansa gaya ng Ireland, Germany, France, Italy, Austria, Turkey, Switzerland, the Netherlands, Belgium at Canada pagdating sa mga biyaheng manggagaling ng UK.

Kanina lang nang sabihin ng WHO na nadiskubre ang bagong SARS-CoV-2 strain — ang virus na nagdudulot ng COVID-19 — sa pamamagitan ng "viral genomic sequencing."

Sa inisyal na analysis ng mga dalubhasa, sinasabing "mas madali itong kumalat" mula sa isang tao papunta sa isa pa.

"Sa ngayon naman po, basta sumunod po sa ating protocol na quarantine bago lumabas ang PCR test, sa tingin ko safe naman tayo... Pero dahil dapat mag-ingat nga din po, so kakalampagin po natin ang DOTr," saad pa ni Roque.

Pagdadalawang-isip sa travel ban noon sa Tsina

Matatandaang tinutulan din noon ng DOH ang pagbababa ng travel ban sa Tsina, na kilala bilang unang bansang nakakitaan ng nakamamatay na virus.

Ito ang paliwanag noon ni Health Secretaary Francisco Duque diyan noong pagdinig ng Kamara, ika-29 ng Enero: "Certainly that’s one of the possible options that we are looking at, but not at this very moment," ayon sa kalihim.

"The reason being, your honor, is we have to be very careful also of possible repercussions of doing this, in light of the fact that confirmed cases of the novel coronavirus are not limited to China."

Enero 31 nang unang maglabas ng travel ban si Duterte sa ilang bahagi ng Tsina hanggang sa palawigin ito sa mainland China, Hong Kong, Macau atbp.

Gayunpaman, minaliit ni Duterte noon ang COVID-19 noong Pebrero at sinabing walang dapat katakutan dito: "There is nothing really to be extra scared of that coronavirus thing although it has affected a lot of countries... You know one or two in any country is not really that fearsome," ani Digong noong ika-3 ng buwang iyon.

Basahin: Duterte: nCoV to die a natural death

Mula sa unang kaso ng COVID-19 na kinumpirma noong ika-30 ng Enero, umabot na ito sa 461,505 noong Lunes. Sa bilang na 'yan, 8,957 na ang patay.

Handa ba tayo dito?

Pinabibilisan naman ni Revilla ang pagkilos ng gobyerno pagdating rito, habang kinakatok ang National Task Force (NTF) on COVID-19 para mapigilan ang pagpasok ng bagong strain mula sa Britanya.

"Measures must immediately be put in place so that this mutated strain does not reach our shores," ayon sa senador, na dati nang tinamaan ng COVID-19 noon.

"Napakalaking dagok na ng COVID, at kung kailan nakakakita na tayo ng liwanag, baka panibagong problema na naman ang kaharapin natin."

Hindi raw magiging katanggap-tanggap kung magpapapetiks-petiks ang NTF at walang gagawin, sa dahilan maaari pang dumapo sa mas maraming Pilipino ang bagong strain.

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION

HARRY ROQUE

NOVEL CORONAVIRUS

RODRIGO DUTERTE

TRAVEL BAN

UNITED KINGDOM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with