^

Bansa

Rehab, tulong sa mga sinalanta ng kalamidad, pabibilisin ng PRRD admin

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tiniyak ni 1st District Taguig–Pateros Rep. Alan Peter Cayetano na pabibilisin ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paghahatid ng tulong at rehabilitasyon sa mga lugar na matin­ding sinalanta ng bagyong Ulysses.

Hinikayat din ni Ca­yetano ang mga lokal na opisyal na gawin ang lahat ng aksyon upang maibigay ang tulong na kinakaila­ngan ng kanilang mga nasasakupan na nakaranas ng hirap mula sa epekto ng bagyo at COVID-19.

Sa kanyang pagbisita sa bayan ng Balayan at Laurel sa Batangas at Paete sa Laguna noong Disyembre 4, binigyang-diin ni Cayetano ang halaga ng sama-samang pagkilos ng mga tao at opisyal para tulungan ang bawat isa na makabangon muli.

Sa ilalim ng programa ni Cayetano na ‘Bayanihan Caravan” ay nagbigay ito ng donasyon tulad ng mga relief goods sa mahigit 1,200 pamilya sa Balayan, Laurel at Paete.

Sa Paete, Laguna, mahigit 380 pamilya at 220 frontliners naman ang nakakuha ng grocery packs mula sa grupo ni Cayetano, na malugod namang tinanggap nina Rep. Benjamin Agarao Jr., Mayor Rojilyn Bagabaldo at Vice Mayor Kid Paraiso.

Sinabi ni Laurel Mayor Joan Amo na si Cayetano ay palaging dumaramay sa kanilang bayan simula pa noong Enero nang sumabog ang bulkang Taal, noong Pebrero nang inanunsyo ng bayan ang kauna-unahang kaso ng African Swine Fever, Marso nang malagay sa state of health emergency ang bansa at maging sa pag­hagupit ng bagyong Ulysses sa Batangas.

Siniguro naman ni Ca­yetano sa mga residente na hindi sila nakalimutan ng gobyerno at ipinaliwanag ang mga ginawa ng Kamara para maipasa ang batas na magtatatag ng Department of Disaster Resilience (DDR) na nag­lalayong mapalakas ang kapasidad ng pamahalaan na maipatupad ang rehabilitasyon.

 

vuukle comment

ALAN PETER CAYETANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with