^

Bansa

DOLE kukuha ng 5K workers para sa cleanup, repair sa Catanduanes

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
DOLE kukuha ng 5K workers para sa cleanup, repair sa Catanduanes
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, partikular na kukunin nila ang mga mahihirap na nasalanta ng bagyo tulad ng labandera, tricycle driver, sidewalk vendor, sari-sari store owner.
STAR/File

MANILA, Philippines — Kukuha ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng 5,000 workers para sa paglilinis at pagsasaayos sa lalawigan ng Ca­tanduanes na naapektuhan ng bagyong Rolly.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, partikular na kukunin nila ang mga mahihirap na nasalanta ng bagyo tulad ng labandera, tricycle driver, sidewalk vendor, sari-sari store owner.

Sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program, tatanggap ng minimum pay na sahod base sa region ang 5,000 manggagawa.

Kailangan lamang aniya na magsabi sila sa  nakasasakop na barangay dahil ipatutupad naman ito ng DOLE sa pamamagitan ng local executives sa Catanduanes na bibigyan ng pondo para sa 15 araw na pasahod sa 5,000 makakapasok sa programa.

Sinabi ni Bello na ito’y bilang tugon nila kay Catanduanes Gov. Joseph Cua sa hiling na tulong pinansiyal para sa pambayad sa mga maglilinis sa sinalantang lugar.

Bukod sa Catanduanes, dadalhin din ang TUPAD program sa lalawigan ng Albay, na grabe ring sinalanta ng Bagyong Rolly madaling araw ng Nobyembre 1.

vuukle comment

DOLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with