^

Bansa

TRO vs anti-terrorism act muling iginiit sa Supreme Court

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines— Muling umapela ang ilang grupo sa Korte Suprema na humihiling na bi­lisan na ang pagpapa­labas­ ng tem­porary restraining order (TRO) laban sa pagpapatupad ng kontrobersiyal na Anti-Terrorism Act of 2020.

Sa 12-pahinang  Motion Reiterating The Prayer For The Issuance Of A Temporary Restraining Order na inihain ng Maka­bayan Bloc, iginiit nito na pigilan ang pagpapatupad ng Republic Act 11479 o Anti-Terrorism Act of 2020 dahil sa lumalala na umanong polisiya at  practice ng red tagging, o terrorist tagging ng militar, pulisya at ng National Task Force To End Local Communist Armed Conflict o ang NTF-ELCAC.

Binigyan diin ng grupo, sa kasalukuyan 37 na ang petisyong naihahain laban sa nasabing batas na ma­ituturing na nag-iisang batas na umani ng maraming pagtutol sa kasaysayan ng bansa.

Habang nakasaad pa anila, sa general appropria­tions bill na mahigit sa  P260 bilyon ang gagastusin sa anti-terrorism program ng gobyerno kabilang na ang mahigit sa P19 bil­yon na pondo nito na haha­wakan ng NTF-ELCAC, kung saan P16.44 bilyon ang gagamitin sa barangay development program.

Iginiit pa na dahil sa official media post ng gob­yerno, kung saan tinu­koy umano ng NTF-ELCAC ang Makabayan Bloc at bawat isang miyembro nito bilang communist terrorist group at high ranking­ officials ng CPP-NPA-NDF.

Kabilang din sa idinahilan ang maliscious at slan­derous posts umano ni Presidential Communi­cations Coordination Office (PCOO) Under­secre­tary at miyembro ng NTF-ELCAC Lorraine Badoy, na ang petisyuner at Maka­bayan ay target ng batas.

Nagiging banta anila, sa buhay nila at kanilang pamilya ang ginagawang red tagging ng militar.

Tinukoy din ang naging­ pahayag ni House Speaker Lord Velasco na nagsasabing ang ginagawang­ red tagging ni Lt. General Antonio Parlade Jr.  sa mga miyembro ng House of Rep­resentatives ay banta at panganib sa buhay ng mga elected officials.

vuukle comment

TRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with