COVID-19 nabubuhay ng 28 araw sa pera, cellphones
MANILA, Philippines — Nabubuhay umano ang coronavirus disease sa pera ng hanggang 28 araw, ayon sa pag-aaral ng mga eksperto sa Australia dahilan kaya mas pinaigting ang panawagan sa paghuhugas ng kamay at paggamit ng alkohol.
Bukod sa pera, natuklasan ng mga mananaliksik mula sa Commonwealth Scientific and Industrial Research Organisation (CSIRO) ng Australia, na tumatagal rin ng kahalintulad na araw ang virus sa ibabaw ng mga salamin kabilang ang mga nasa mobile phones.
Nabubuhay umano ng ganung katagal ang SARS-COV-2 virus sa temperaturang 20 degress Celsius. Nailathala ang pag-aaral sa Virology Journal.
Kabilang sa mga pinag-aralan ng CSIRO ay ang artipisyal na ‘mucus’ na pareho sa mga sampol mula sa mga pasyente ng COVID-19 sa iba’t ibang ‘surfaces’.
Isinalang ang virus sa mga temperatura mula 20, 30 at 40 degree Celsius. Habang tumataas umano ang temperatura, mas bumababa ang survival ng virus.
“The research may also help to explain the apparent persistence and spread of SARS-CoV-2 in cool environments with high lipid or protein contamination, such as meat processing facilities, and how we might better address that risk,” ayon kay Trevor Drew, director ng Australian Centre for Disease Preparedness sa ilalim ng CSIRO.
- Latest