^

Bansa

Indonesian suicide bomber, 2 pa timbog!

Rhoderick Beñes at Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bumagsak sa mga elemento ng Joint Task Force (JTF) Sulu ang isang babaeng Indonesian suicide bomber kasama ang dalawang iba pa sa isinagawang pagsisilbi ng search warrant sa pinagkukutaan ng mga suspek sa Sitio Kuppong, Barangay San Raymundo, Jolo, Sulu kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga nahuli na sina Rezky Fantasya Rullie, a.k.a Cici, na isang Indonesian national at ang mga kasama nitong mga Pinay na sina Nur-Aina Alihasan alyas Inda Nhur at Fatima Sandra Jimlani.

Sa ulat na nakara­ting kay Lt. Gen. Corleto Vinluan, Jr., Commander ng Western Mindanao Command, nahuli ang tatlo sa bahay ng isang local terrorist group sub-leader na si Ben Quirino Yadah, a.k.a, Ben Tatoo.

Nasamsam ng mga operatiba ang ilang sangkap sa pampasabog kagaya ng improvised explosive device (IED) vest rigged na may dalawang pipe bombs at iba pa.

Ang tatlo ay nasa kustodiya ngayon ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) hinggil sa kasong isasampa laban sa kanya.

Ayon kay Brig. Gen. William Gonzales, ang pinuno ng Joint Task Force Sulu na matagal na nilang minamanma­nan ang babaeng Indonesian bomber matapos ang nangyaring kambal na pagsabog sa Jolo noong Agosto 24.

Si Rullie ay pangunahin sa kanilang mga listahan na magsasagawa umano ng mga pambobomba matapos na mapatay ang kanyang mister na si Andi Baso, isang Indonesian foreign terrorist sa engkwentro ng mga ranger battalion noong Agosto 29, 2020.

vuukle comment

IED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with