^

Bansa

Mga kongresista payagang dumalo sa plenary debate

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hinamon ni Buhay partylist Rep. Lito Atienza si House Speaker Alan Peter Cayetano na payagan ang iba pang kongresista na dumalo sa sesyon at magkaroon ng plenary debate sa mahahalagang usapin, kabilang na ang panukalang P4.5 trillion 2021 national budget sa halip na limitahan ang partisipasyon ng kanyang mga kasama.

Sinabi ni Atienza, pitong buwan na ang pandemic, subalit ang liderato ng Kamara ay hindi pa rin naglalabas ng protocols para payagan ang gradual reopening ng Kamara.

Inakusahan ng kongresista si Cayetano na gina­gamit ang COVID-19 para hindi isama ang mayorya ng mga mambabatas na gawin ang kanilang trabaho.

Sa ngayon, 25 lamang kabilang ang senior citizens, sa 304 na miyembro ng Kamara ang pinapayagang dumalo sa plenary session sa Batasan Hills, habang ang iba ay dumadalo lang sa pamamagitan ng video conferencing na zoom at kailangan pa umanong humingi ng permiso mula sa Speaker para makapag-participate.

Pinuna rin ni Atienza na simula noong Marso ay pare-parehong mukha ang dumadalo sa mga hearing at plenary sessions.

Marami umanong mga kongresista ang gustng pumunta sa Kongreso para tuparin ang kanilang mga tungkulin lalo na  para makatulong sa administrasyon sa pagpasa sa 2021 national budget para makatugon sa pandemic.

vuukle comment

LITO ATIENZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with