^

Bansa

Malacañang ok sa pagtestigo ni Mary Jane Veloso vs recruiters

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Malacañang ok sa pagtestigo ni Mary Jane Veloso vs recruiters
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ikinagagalak ng Palasyo ang desisyon dahil makikita na na­ging biktima si Veloso na nakakulong sa Indonesia dahil sa drug trade.
STAR/File

MANILA, Philippines — Welcome sa Malacañang ang naging desis­yon ng Supreme Court na pagtibayin ang unang desisyon na gawing testigo ang nakakulong na OFW na si Mary Jane Veloso laban sa kanyang mga illegal recruiters.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ikinagagalak ng Palasyo ang desisyon dahil makikita na na­ging biktima si Veloso na nakakulong sa Indonesia dahil sa drug trade.

Hindi pinagbigyan ng SC ang motion for reconsidetation (MR) na inihain laban sa unang desisyon na pa-testiguhin si Veloso laban sa kanyang mga illegal recruiters.

Magbibigay ng kanyang testimonya si Veloso sa pamamagitan ng written statement laban kina Cristina Sergio at Julius Lacanilao.

Nahaharap sa parusang bitay sa pamamagitan ng firing squad si Veloso sa Indonesia matapos mahulihan ng 2.6 kilograms ng heroin noong 2010 na nakita sa kanyang bagahe sa Yogyakarta airport.

Matatandaan na iginiit ni Veloso na niloko siya ng kanyang mga recruiters na nagpadala umano ng ilegal na droga sa nasabing bansa.

Dapat ay noon pang 2015 na-firing squad si Veloso pero nabigyan ng pagkakataon na ipagpaliban ang hatol dahil sa apela ni dating pangulong Benigno Aquino III na isinulong na gawing testigo ang OFW.

vuukle comment

MARY JANE VELOSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with