^

Bansa

Witness sa PhilHealth anomaly umatras

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umatras na bilang testigo ng Senado sa umano’y anomalya sa ahensiya ang dating assistant ni PhilHealth Chief Ricardo Morales.

Sinabi ni Sen. Panfilo Lacson na tetestigo dapat si Estrobal Laborte sa pagdinig noong isang araw sa subalit bigla itong nawala sa webinar at nag-logout.

Matapos nito ay na-katanggap si Lacson ng text message na hindi na siya tetestigo dahil may nararamdamang sumusunod sa kanya.

Bukod kay Laborte, tes­tigo rin sa pagdinig sina PhilHealth board member Alejandro Ca­bading at dating anti-fraud legal officer Thorrsson Montes Keith.

Ayon sa senador, posibleng habang naka-log in si Laborte sa Senate hea-ring ay may nagpadala dito ng text message at inawat sa pagtestigo.

Nanghihinayang naman si Lacson dahil sa tingin niya ay marami siyang nalalamang katiwa-lian sa PhilHealth.

Si Laborte ay dating Marine Colonel at nagbitiw bilang head executive assistant ni Morales noong Hulyo na epektibo nitong katapusan ng Agosto dahil kukuha umano ng PHd.

Maaari naman uma­nong pwersahin si Laborte na tumestigo sa Senado sa pamamagitan ng pag­pa­padala ng subpoena suba­lit sa ngayon ay hindi pa ito opsyon at sa halip ay kanya muna itong kukum­binsihin.

vuukle comment

PHILHEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with