^

Bansa

Cha-Cha ‘di priority ng Senado

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi prayoridad ng Se­nado ang pag-amyen-da sa konstitusyon o Charter Change (Cha-Cha).

Sinabi ni Senate President Vicente Sotto, hindi kasama sa kanilang tata-lakayin sa pagbubukas   ng sesyon sa Hulyo 27 ang Cha-Cha.

Subalit kung may iaakyat umano ang Kamara na panukalang batas tungkol sa Cha-Cha ay saka na nila ito pag-uusapan sa Senado.

Matatandaan na isinusulong ng League of Municipalities ang Cha-Cha at umano’y ieendorso ng DILG sa Kamara.

Nais ng mga mayor na maamyendahan ang konstitusyon para mabigyan sila ng national government ng mas malaking budget at mapayagan ang 100% foreign ownership sa pagnenegosyo na sa huli ay makakapagbigay ng mas maraming trabaho.

Para naman kay Se-nate Minority leader Franklin Drilon, kahit maganda ang intensyon sa Cha-Cha ay pagsasayang pa rin ito ng panahon para talakayin ngayon.

Giit ni Drilon, bakit sila magde-debate sa Cha-Cha ngayon kung makakahati sa bayan samantalang ang dapat na pinagtutuunan ay ang economic recovery mula sa COVID-19 pandemic.

Umaasa rin ang mino-rity leader na hindi makakasama ang Cha-Cha sa SONA ni Pangulong Duterte sa Lunes at sana ay ang pagtuunan sa talumpati ng Pangulo ay ang mga plano niya sa recovery ng bansa mula sa pandemic.

vuukle comment

VICENTE SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with