PAF tuloy ang search, rescue sa missing Liberty 5 crew
MANILA, Philippines — Patuloy ang search and rescue operation ng mga aircraft ng Philippine Air Force (PAF) sa paghahanap sa posible pang mga survivors ng 12 tripulante at 2 pasahero ng lumubog na F/B Liberty 5 matapos na mabangga ng barko ng China sa karagatan ng Occidental Mindoro noong Hunyo 28.
Ayon kay Lt. Col. Aris-tedes Galang, Spokesman ng PAF, patuloy sa paglipad ang mga helicopter ng PAF sa karagatan ng Cape Calavite, Occidental Mindoro sa pag-asang may masasagip pang survivors.
Kabilang sa mga air assets ng PAF na ginagamit sa search and rescue operations ay ang Huey II ng 505th Search and Rescue Group at ang C-208 B ng 300th Air Intelligence and Security Wing na patuloy ang paglipad sa ibabaw ng karagatan ng Paluan at Maburao, Occidental Mindoro.
Ang mga pinaghahanap na tripulante ng F/B Liberty ay nakilalang sina Jose Magnes Alfonso, Boat Captain; Renante Dahon, Chief Mate; Reymel Magura, Chief Engineer; Miguel Comaling, Assistant Chief Engineer; Joefrey Bantog, Oiler; Jeerom Alaska, Oiler; Michael Flores, Master Hatchman; Jayson Bigonte, Adrian Robert Amogod, Bartolome Oab Jr, Herbert Dalabayan, Reynald Riparip, Hatchmen.
Samantala ang dalawang mga pasahero ay nakilala namang sina Ariel Tabang, at Eduardo Manipol.
- Latest