^

Bansa

20 arestado sa 'pride protest' vs anti-terrorism bill sa Mendiola

James Relativo - Philstar.com
20 arestado sa 'pride protest' vs anti-terrorism bill sa Mendiola
Makikitang naglulunsad ng protesta tutol sa anti-terrorism bill ang mga miyembro ng LGBTQ at kanilang mga taga suporta nang arestuhin ng pulisiya, kahit "sumusunod" diumano sa physical distancing kontra coronavirus disease (COVID-19)
Litrato mula sa Bahaghari at League of Filipino Students

MANILA, Philippines — Nauwi sa dispersal at arestuhan ang isinagawang protesta sa paanan ng Mendiola, Maynila kontra anti-terrorism bill, bagay pinangunahan ng lesbian, gay, bisexual, transgender at queer (LGBTQ) community, Biyernes nang umaga.

Ayon kay Manila Police District (MPD) spokesperson Carlo Manuel sa ulat ng GMA News, inihahanda na ang reklamo sa 20 katao matapos mag-rally sa gitna ng general community quarantine (GCQ) na ipinatutupad sa Metro Manila.

Kasama sa mga hinuli ang 10 myembro ng LGBTQ, walong kaalyado nila at dalawang driver na idinala sa MPD Headquarters, ayon sa grupong Bahaghari at Karapatan.

Kumpirmadong kasama si Rey Valmores-Salinas, campaign spokesperson ng Bahaghari, sa mga inaresto.

"They were not informed of any charges when they were accosted. What a way to commemorate pride in PH, PNP!" sabi ni Cristina Palabay, secretary general ng grupong Karapatan.

Makikita sa video na ito ang hindi pagsagot ng media kung ano nga ba ang kaso ng mga hinuli. Basta na lamang itong humarurot habang sinasabing may violation. Dahil dito, sinabi ni Kabataan Rep. Sarah Elago na iligal ang nangyaring paghuhuli.

Malaon, sinabi ng PNP na inirereklamo ang 20 kaugnay ng "illegal assembly, disobedience, at paglabag sa social distancing sa Bayanihan Act," kahit na expired na bilang batas ang huli.

Kinuha rin ng mga pulis ang intern ng Manila Today, na nagco-cover ng nasabing protesta bilang media. 

Aniya, sumusunod naman sa physical distancing at health standards kontra coronavirus disease (COVID-19) ang mga raliyista nang sila'y hulihin. Sa ulat naman ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP), sinabing kinuha pa diumano ng mga pulis ang susi ng sasakyan ng mga nagprotesta.

Sa panayam ng PSN, sinabi naman ni PNP spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac na mino-monitor pa nila ang mga ulat mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO) hinggil sa nangyaring panghuhuli.

"We call on the PNP to #FreePride20! To all members of the LGBTQ community and our allies, your support is very important," sabi pa ni Palabay sa isang pahayag.

"Let us show them that Pride is not just about the colors that we wear, it is about our love, our solidarity for those who fight for our humanity!"

Kinundena na rin ng Metro Manila Pride ang nangyari, lalo na't "maayos, mapayapa at sumusunod sa patakaran ng social distancing" ang mga raliyista kanina.

"Hindi makatarungan ang pag-arestong ito, at idinidiin ng Metro Manila Pride ang pagkundena sa karahasan ng militar at kapulistan, lalo na sa mga marhinalisadong komunidad at mga aktibista," sabi ng statement.

Ika-5 ng Hunyo nang arestuhin pa lang ang pitong nagprotesta sa UP Cebu dahil din sa pagtutol sa anti-terror bill, matapos sabihing "lumabag" ang mga sumusunod sa quarantine protocols.

Kontrobersyal ngayon ang anti-terrorism bill dahil sa ilang probisyon, gaya ng 14-24 araw na pagkakakulong ng mga suspek nang walang pormal na kaso, at kapangyarihang ibinibigay nito sa Anti-Terrorism Council (ATC) — na hindi korte — para magdesisyon kung sino ang terorista o hindi.

Basahin: Ano ang 'Anti-Terror Bill' at bakit may mga tutol dito?

Pangamba tuloy ng maraming aktibista at miyembro ng oposisyon, maaari itong gamitin kahit sa mga kritiko ng gobyerno at hindi lamang sa mga terorista, lalo na't matagal na aniya silang idinidikit ng gobyerno sa armadong New People's Army (NPA).

Ilang beses na ring tinawag na "unconstitutional" ng mga abogado gaya ng Integrated Bar of the Philippines ang anti-terrorism bill, sa dahilang inaagawan daw ng trabaho ng ehekutibo, sa pamamagitan ng ATC, ang mga nasa hudikatura.

Kasalukuyang nasa Palasyo pa rin ang anti-terror bill at naghihintay na lamang ng pirma ni Pangulong Rodrigo Duterte para tuluyang maging batas.

vuukle comment

ANTI-TERRORISM BILL

HUMAN RIGHTS

KARAPATAN

LGBTQ COMMUNITY

MENDIOLA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with