^

Bansa

12K OFWs balik trabaho sa Hong Kong

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
12K OFWs balik trabaho sa Hong Kong
Sinabi ni Consul General Raly Tejada Philippine Consu­late General sa Hong Kong, 7,900 ang mga bagong OFW habang nasa 4,700 na OFW ang balik sa Hong Kong dahil nakahanap ng bagong employer.
AFP/Anthony Wallace/File

MANILA, Philippines — Magbabalik na sa trabaho ang tinatayang mahigit sa 12,000 Overseas Filipino Wor­kers sa Hong Kong sa mga susunod na buwan.

Sinabi ni Consul General Raly Tejada Philippine Consu­late General sa Hong Kong, 7,900 ang mga bagong OFW habang nasa 4,700 na OFW ang balik sa Hong Kong dahil nakahanap ng bagong employer.

Paliwanag naman ni Tejada na otomatikong sasailalim sa 14-day quarantine period ang mga OFWs na darating sa HK na siyang requirement ng gobyerno doon gayundin ang swab test sa lahat ng darating.

Sagot naman umano ng mga employer ang gastos sa quarantine facility ng mga OFW.

Patuloy din aniyang nakiki­pag-ugnayan ang konsulada ng Pilipinas sa pamahalaan ng Hong Kong para masiguro ang kapakanan ng mga OFW.

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with