^

Bansa

DOTr pinuri sa pagtugon sa problema ng OFWs

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpasalamat si ACT-CIS Cong. Eric Go Yap sa pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) sa mabilis na pagtugon nito sa problema ng mga OFW na nasa dalawang barko ng 2GO para sumailalim sa quarantine procedure.

Naunang lumapit sa ACT-CIS partylist at sa Erwin Tulfo Action Center ang mga OFW para ireklamo ang paniningil umano sa kanila ng P180 kada araw sa loob ng naturang barko.

“Ako ay nagpapasalamat at sa bandang huli nauwi sa maganda ang reklamo ng ating mga kabababayang OFW Marino. Nagpapasalamat din ako sa magandang naging tugon ng DOTr ukol sa problema,” ayon kay Yap.

Sinabi ni DOTr Spokesperson Asec. Goddes Hope Libiran, sinagot na ng Coast Guard at Marina ang mga gastusin ng lahat ng OFW sa loob ng barko, kabilang na ang mga pagkain, tubig at iba pang mga pangangailangan ng mga ito at hindi na rin sisingilin ng mga bayarin.

Siniguro naman ng DOTr na maayos na ang lagay ng mga OFW at kumpleto na ring naibibigay ang pangangailangan ng mga ito habang naka-quarantine.

vuukle comment

DOTR

ERIC GO YAP

ERWIN TULFO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with